Ang Accounting ay syang pagkwenta sa tagalog, ibig sabihin lahat ng ating ginagawa kung ito man ay pagluluto, pag babudget ng oras at kung anu anu pa ay ginagamitan ng Accounting. Ito ay importante para naman maitama naten ang ating kalkulasyon sa mga bagay bagay sa ating paligid, kung walang Accounting, sa tingin ko ay mahihirapan tayong kalkulahin at alamin kung tayo ba ay may nakukuhang balik sa ating mga pinag kaka abalahan. kahit nga panliligaw ay nagagamitan naten ng accounting ng di naten namamalayan.
Halimbawa nalang ay bumibili tayo ng mga regalo o kaya naman ay hatid sundo naten sila araw araw, sa paraan na un tayo ay gumagastos at iyon ay ang tinatawag na Investment na may halong RISK kasi di naten alam kung tayo ba ay sasagutin ng ating nililigawan o hindi, pag tayo ay hindi sinagot invest ulet sa iba pag sinagot naman tayo ay ang swerte naten, kasi nakatanggap na tayo ng ROI o RETURN ON INVESTMENT sa pamamagitan ng EMOTION o Pagmamahal na ibibigay saten ng ating minamahal (uyy! matamas na uri na ito ng Accounting😃)
Isang halimbawa pa ay iyong ngang nasa aking video, ung Allowance na natatanggap naten sa araw araw sa pagpasok sa eskwela, malimit di naten naiisip na marunong na pala tayong mag Accounting, sa pamamagitan ng pag lagak ng ating pera sa mga bagay na kailangan naten sa araw araw.
Sabi ko nga kanina, ang Accounting ay naiaapply naten sa pang araw araw nateng mga gawain ng di namamalayan, kaya OO ang sagot ko sa kung ang lahat ba ng kurso ay merong Accounting Subjects.
Kung tutuusin madali lang ang Accounting, ngunit kadalasan, me mga nalilito pa din dito o sabihin na naten nahihirapan. Siguro dahil hindi sila familiar sa mga Terminolohiya o Salita na ginagamit sa Accounting. kagaya na lamang sa Journal Entry (Debit at Credit) na aking ipapaliwanag naman sa susunod na aking youtube channel at blog nadin.
Sana kahit papaano ay naideliver ko ng maayos ang aking explenasyon sa blog na ito at kung kayo man ay may katanungan ay wag kayong mag atubuling mag iwan ng mensahe sa baba at malugod kong sasagutin sa abot ng aking makakaya :)
Hangang sa muli! PAALAM!
������������
ReplyDeleteMaraming salamat dito, pagpatuloy mo lang
ReplyDeleteWow!!! Im a fan since crc days pa!
ReplyDeletesalamat po dito
ReplyDelete