As a former reviewee of CPAR, here are my key points considered in this review.
Note that this is my own perspective and may vary from other reviewees , so please bare with me :)
1. Classroom appearance -
UPUAN - Mejo sakto lang if mejo malaman ka and ofcourse mejo maluwag naman pag petite ka, pero pag sobrang laki mo, mejo nakasideview kana parang kagaya nung naging classmate namen last batch (peace po!) Isipin mo nalang yung naging upuan mo sa college school na mejo ganun itsura nya na may pagkaside by side kaya you need to be friendly para naman good vibes kayo ng katabi mo.
Aircon - Yung lamig naman ng aircon is somewhat okay, minsan sobrang lamig, minsan naman sobrang init lalo na pag dating ng last subject (AFAR) kasi parang sobrang hina na ng aircon kasi marami ng nalalamigan
Soundsystem - Okay din naman, di ganun kalakas at di din ganun kahina
Whiteboard - Sa sobrang dami ng nag ooccupy ng room, mejo mahirap na ung view pag nasa malayo ka nakaupo, just like in room 5, kaya ung mejo malabo na ang mata or mataas na ung grado I strongly suggest na sa unahan ang piliin nyong pwesto
2. Hallway/Library - para saken okay naman ung appearance nya. Yun nga lang, pang summer (Like May batch) mejo mainit sa hallway tapos ung shadow pa ng ceiling fan is magrereflect kaya feeling mo hinehele ka at ayun nga makakaidlip/tulog ka ng di mo namamalayan haha. You can use the Admin office if mejo naiinitan ka sa hallway , di nga lang maiiwasan na mejo maiistorbo ka kasi nga in and out ang mga nag iinquire at nag eenrol sa CPAR
3. Canteen - Okay naman, madami namang variety ang tinda nila, from snacks to lunch. Yun nga lang mejo pricy kaya suggest na sa labas nalang bumili if mejo nagtitipid.
4. Accessibility
Food Stalls - kung mejo nagtitipid ka or nagsasawa ka na sa pagkain sa canteen sa CPAR, mejo me kalayuan ung mga murang kainan from the review center. Pero kung di ka naman choosy, pwede na din ung kainan sa tapat ng mini stop which is makakabili ka ng gulay worth 15 pesos and kanin na 5 pesos (kasi kalahati lang hehe). Meron din ung mejo malapit sa CPAR ung TITA ung name , meron silang budget meal na 40 pesos, mejo konti nga lang din ung canteen, pero bestseller sa kanila dun ung shanghai nila na tag 5 pesos. Sa may Galicia naman ung sikat na kainan for the price of 40 pesos meron ka ng kanin , gulay at meat and ofcourse kaya sya sikat kasi mejo madami ang servings nya un nga lang beware, kasi navictim na ung mahal ko dun kasi me something sa food nya (YAY!!) Pero if mejo kaya mo naman sa gilid/espana highway meron naman dun mga kainan sa like jollibee and foodcourt.
XEROX/Photocopy Stalls - Isa lang ang available photocopying services na malapit sa CPAR and it is somewhat pricy di kagaya sa dalawang review center na mejo malapit ung mga murang stalls which is 60cents per copy ata
Public Utility Services - Masasabi ko naman na very accessible yung CPAR kasi malapit sya sa mga sakayan.
Dormitories/Apartments/Condos - masasabi ko na maganda ung lugar ng CPAR especially to those na galeng pa sa malalayong lugar na di pa masyadong sanay sa Manila. Ofcourse advantage nadin na tumira ng malapit sa review centers lalo na pag tag ulan kasi di maiiwasan ang bumaha or maglakad sa baha kahit saglet lang ang malakas na ulan.
5. Preboards/Final Preboards/Preweek - Tolerable naman yung mga questions sa mga nasabing examinations. Yung iba akala mo nasa weekly materials mo na pero iba pala. Yung tipong mejo tricky sya, na akala mo ayun ung tamang sagot pag nagmadali ka pero once basahin at ianalyze mo ng mabute ung question biglang mag iiba ung approach mo. Isa din sa pinaka gustuhan ko is naglalaan talaga ang CPAR ng araw para magkaroon ng discussion and giving of answers. If di man detailed atleast ung mejo madami ang nagkamali, nalito is na eemphasize nila and ineexplain ng mabute.
6.
Reviewers/Topics-
Para saken okay naman ang tura nila detailed din naman pero mejo limited lang ung problems/samples per topic kaya parang nagmumukha syang mabilis di kagaya ng isang review center sa may P.Campa na mejo slow ung turo kaya mejo nakakasabay ung mga may age na na gusto magtake. Pero honestly, maganda ang turo sa CPAR and ung mga materials nila is panlaban talaga sa CPA Board kung aaralin mo lang talaga at isasapuso. Very Accomodating din yung mga reviewers, if me question ka you can easily ask them and they will entertain/give the answers right away. Meron lang talaga akong mejo di nagustuhan na prof pero di ko na papangalanan haha! Me pagka somewhat negative sya , ewan basta di ko gusto yung vibes nya lalo na pag nararant sya (LOL)
Isa rin sa pinaka nagustuhan ko dito is marami silang reviewers and classrooms, so you have an option kung sino ang papasukan mo, yun nga lang you have to sacrifice kasi mahirap maki sit in especially if mejo sikat ung reviewer like kay Atty JDV ng taxation which is overloaded talaga yung klase. E kasi naman yung isang topic na eemphasize nya ng isang oras lang, sa buong 3hrs e tapos na hangang quizzers! ayos dba!
(IN MY NEXT BLOG, I MAKE A REVIEW SA MGA REVIEWERS NA NAPASUKAN KO :)
Also, napaka humble ng mga reviewers, sila yung tipo na tumatambay lang sa hallway na pwede mong kausapin, biruin. And isa pa sa nakakatuwa is yung nagkaroon ng send off mass. Nagpakain si CPAR ng pancit at tinapay, guess what! kung anu ang kinakain ng mga reviewees yun din ang kinakain ng mga reviewers including Atty Valix! Wooah!! Grabe grabe! Ito pa pala! if mejo hirap kayo sa tuition fees, pwede kayo lumapit kay Atty Valix to ask some discounts, madali lang sya kausap basta wag ka lang mahihiya! Promise! Proven and Tested po :)
7. Actual Board - Isa talaga sa pinakagustuhan ko is yung naglalaan ng oras yung mga reviewers ng CPAR para puntahan yung mga testing sites para igoodluck yung mga examinees which is nakaka uplift ng spirit and if ever na may mga dispute is madali agad masasabi sa kanila ng mga nag exam which is mapapaabot agad sa kinauukulan. And the best of all, yung pakain after exam! As in babaha ng pagkain, kaya sa last day ng board exam make sure na makakapunta kayo sa CPAR para makikain sa mga kapwa reviewees at reviewers na din
Para saken okay naman sya overall, if I am going to rate it from 1-10 , I would give the score of 8 and if given a chance I will enroll again and spend time reviewing sa CPAR :)
Again, this is only my own perspective no pun intented.
Salamat po