kakaba kaba
Umaga palang akoy kinakabahan na
Sapagkat ticket ko'y wala pa
Di malaman ang gagawin, paano ba paano ba
Ang kontak kong si Manny ay wala pa sa Araneta
Dumating ang alas dose
Simula na ng aking byahe
Ng itong kaibigang kong si Manny ay biglang nagmensahe
Di pa nagbebenta ng UA-SRO ang bungad nya
Sumaket ang aking ulo
Dibdib koy parang sasabog na
Bigla pang text ang kaibigan kong si RHEN
"SKY, asan na kayo tatlo lang kami dito"
" Kukunin na ng Petron FAN ang upuan nyo"
Ang pwet ko'y umikot, tila di mapakali sa aking kinauupuan
Badtrip pa ako
Sapagkat hapit sa pasahero ang bus na nasakyan ko
Bawat kanto'y hinto dito,hinto doon
Nakakabwisit pa ang pagmumukha ni Manong
Ayan na! nakapasok na sa SUSANA, ang sambit ko
Sabay talilis ang takbo ng bus na sinasakyan ko
Pasalamat kayo at Skyway ang dinaanan nyo
At walang trapiko sa papuntang AYALA MRT Kanto
Kundi naku! Baka anung mura ang marinig nyo (LOL)
MRT na! Text dito, text doon
Kamusta dito, kamusta doon
Anu na nga ba ang nangyari
Me ticket na ba? O buwis buhay naman ba?
Salamat na lamang, sakto pagdating doon
Nasa harap na ng counter ang kaibigan kong si Manny
Kaya di na masyadong nahirapan
Sa greengate aming naabutan ang mabuting kaibigan
Si Ms. kay na muntik ng magpanic at mahulog sa bitag ng mga scalper sa daan
Sa 301 ang aming pwesto
Kung saan malapit sa mahal nameng koponan
Pagdating palang e kagulo na kami
Lalo na ng ipakita sa TV ang aming mahal na banner ng tambayan
Iwinagayway habang naglalaro ang Petron
Bute na lamang at LAMANG sila kung ako'y nahamon (HAHA)
Tapos na ang 1st game, hay salamat naman!
Tinawag na ang Ginebra
Sabay ng paglabas nila ang aking paglundag sa kinauupuan

Ang laban nila ng Alaska
Ay parang seesaw sa palaruan
Lamang sila, lamang ang kalaban
bute na lamang at di masyadong umarya ang kalaban
Sa ganda ng pinapakita ng team
bigla kong nawika
O Kuya Rhen, di ako malas sabi na nga ba
Sabay indak ng aking mga paa
Bawat freethrow ni Caguioa ay napapakanta
Kahit wala sa tono mabigkas lang ang pagbati sa kanya
HAPPY BIRTHDAY IDOL ang sigaw ko
Biglang naantig ng lumingin at ngumisi sa amin si IDOL
Dumating ang 4th quarter
Lumamang ang kalaban
Kinabahan sa mga tres ni Casio at Barracael
Bute na lamang at may dugong palaban
Di nagpatinag ang aking mahal na koponan
Shooter ng kalaban ay mahigpit na binantayan
Ang ganda ng pasa ni Miller , sabay tira ni Mark
Pagka shoot kami ay talunan agad
Lumakas ang kabog ng dibdib parang hihimatayin
and1 si Mark tanggal ang kalaban
Freethrow ni Mark lahat ay kinakabahan
Ang dasal ng karamihan sana ay pumasok naman
Sapagkat may alat sa freethrow sa simula pa lang
Bumuslo ang isa, ang isa ay niluwa
Bute na lamang maliksi ang aming BIG MAMA
Ang bola ay hinabol at binato sa katawan ng kalaban
Tumalbog palabas ang bola
Last touch ang kalaban
Possession ay sa Ginebra na naman!
1.1 secs ang natitira sa orasan
Di malaman kung san ipapasa sapagkat makulit ang kalaban
Nag time out ang Ginkings , madaming kinabahan
Sana naman ay amin na ito upang kami ay magdiwang
Napasa kay Ellis ang bola at naubos ang oras
Sabay sigaw kami at nagbesohan
Kitang kita kahit sa camera ang aming kasiyahan
PANALO ANG GINEBRA, KAMI AY NAGDIWANG!