Sunday, July 7, 2019

Is this the right time to trade Greg Slaughter?

Join me and let's have a healthy discussion here :)


17 minutes on the floor, scored only 2 points and made a lot of misses and miscues . This questions accidentally pops up in my mind "is it really high time to trade Gregzilla?" Yeah, I know we won against Magnolia and its really pathetic for me to post this blog. However, as a team fan, I really observed that Ginebra can't execute their play well if Greg is on the floor. Why? Because of Slow Pacing and lacks of basketball I.Q (oops, no PUN intended). I really believed in the saying that HEIGHT IS MIGHT especially here in the Philippines where we have a scarce resource of BIGMAN , however, Gregzilla's presence can't be felt especially on the defensive end. With 6 years in the PBA and a champion under his belt,by now he should be dominating the paint just like what Fajardo is doing, but instead of improving its getting worse and made himself a laughing stock of the opponent team (sorry but its true sometimes).

Oh Well,  tatagalugin ko na para madali maintindihan haha.. Standing 7 foot 1 tall, yung tipong isasalaksak mo nalang yung bola  na mag aala dunking donato ka nalang di mo pa magawa, need mo pa ipump ung bola tendency maaagaw pa sayo. Ung lateral movements at ung tinatawag na fake/duga sa laro is wala na parang takot na takot ka makipag physicalan. Hope nagets nyo ang point ko

How about you? do you really think that we have to let go Gregzilla to acquire a good calibre center like Standhardinger or Erram or a good steal in the upcoming draft pick  (Go or Ravena)

==============================================
Click the picture below to see the amazing products offered in Amazon
==============================================




Saturday, July 6, 2019

Pag Panalo ang Ginebra

Image result for stanley pringle ginebra

O anung saya, pag panalo ang Ginebra
Mundo koy nag iiba, lahat ay kay saya
Problemay nawawaglit, suliraniy di naisisingit
Punong puno ng pag mamahal, ang nadarama sa aking PUSO.

Paligid man ay kay lupit, panalo parin ang nakapagkit
Kataway napapa indak, napapa tweet hangang bumagsak sa kama
Lumabas man ang mga hater, deadma lahat sila

Sabihin na nila ang lahat ng panlalait, sa team kong kay LUPIT
Wala akong pakialam, kiberloo ang laging sambit
Trabaho sa opisinay pinapabayan, upang makipagtalastasan
Sa mga kabs kong Masaya rin, maghapon na ang halhalan

Sana sa huli sila ulet ang Magchampion

Para feeling pasko araw araw ulet
Kahit baon na baon
Anu mang problema'y naiaahon

Tula ko mang itoy kay igli
Pagbigyan nyo na't
Ngayon lang ulet nabuhay 
Ang dugo kong makata 
Ngunit ngiti sa labiy di nawawaglet

Lalo na pag nakatanggap ng papuri 
Sa mga kabarangay kong malupit!

HAHA!


Friday, July 5, 2019

CPAR (CPA REVIEW SCHOOL OF ACCOUNTANCY) REVIEWS

As a former reviewee of CPAR,  here are my key points considered in this review.

Note that this is my own perspective and may vary from other reviewees , so please bare with me :)


1. Classroom appearance - 

Related image


                          UPUAN - Mejo sakto lang if mejo malaman ka and ofcourse mejo maluwag naman pag petite ka, pero pag sobrang laki mo, mejo nakasideview kana parang kagaya nung naging classmate namen last batch (peace po!)  Isipin mo nalang yung naging upuan mo sa college school na mejo ganun itsura nya na may pagkaside by side  kaya you need to be friendly para naman good vibes kayo ng katabi mo.

                            Aircon - Yung lamig naman ng aircon is somewhat okay, minsan sobrang lamig, minsan naman sobrang init lalo na pag dating ng last subject (AFAR) kasi parang sobrang hina na ng aircon kasi marami ng nalalamigan 

                           Soundsystem - Okay din naman, di ganun kalakas at di din ganun kahina

                           Whiteboard - Sa sobrang dami ng nag ooccupy ng room, mejo mahirap na ung view pag nasa malayo ka nakaupo, just like in room 5, kaya ung mejo malabo na ang mata or mataas na ung grado I strongly suggest na sa unahan ang piliin nyong pwesto

2. Hallway/Library - para saken okay naman ung appearance nya. Yun nga lang, pang summer (Like May batch) mejo mainit sa hallway tapos ung shadow pa ng ceiling fan is magrereflect kaya feeling mo hinehele ka at ayun nga makakaidlip/tulog ka ng di mo namamalayan haha. You can use the Admin office if mejo naiinitan ka sa hallway , di nga lang maiiwasan na mejo maiistorbo ka kasi nga in and out ang mga nag iinquire at nag eenrol sa CPAR

3. Canteen - Okay naman, madami namang variety ang tinda nila, from snacks to lunch. Yun nga lang mejo pricy kaya suggest na sa labas nalang bumili if mejo nagtitipid. 

4. Accessibility 

                           Food Stalls - kung mejo nagtitipid ka or nagsasawa ka na sa pagkain sa canteen sa CPAR, mejo me kalayuan ung mga murang kainan from the review center. Pero kung di ka naman choosy, pwede na din ung kainan sa tapat ng mini stop which is makakabili ka ng gulay worth 15 pesos and kanin na 5 pesos (kasi kalahati lang hehe). Meron din ung mejo malapit sa CPAR ung TITA ung name , meron silang budget meal na 40 pesos, mejo konti nga lang din ung canteen, pero bestseller sa kanila dun ung shanghai nila na tag 5 pesos. Sa may Galicia naman ung sikat na kainan for the price of 40 pesos meron ka ng kanin , gulay at meat and ofcourse kaya sya sikat kasi mejo madami ang servings nya un nga lang beware, kasi navictim na ung mahal ko dun kasi me something sa food nya (YAY!!) Pero if mejo kaya mo naman sa gilid/espana highway meron naman dun mga kainan sa like jollibee and foodcourt.

                           XEROX/Photocopy Stalls - Isa lang ang available photocopying services na malapit sa CPAR and it is somewhat pricy di kagaya sa dalawang review center na mejo malapit ung mga murang stalls which is 60cents per copy ata

                           Public Utility Services - Masasabi ko naman na very accessible yung CPAR kasi malapit sya sa mga sakayan.

                           Dormitories/Apartments/Condos - masasabi ko na maganda ung lugar ng CPAR especially to those na galeng pa sa malalayong lugar na di pa masyadong sanay sa Manila. Ofcourse advantage nadin na tumira ng malapit sa review centers lalo na pag tag ulan kasi di maiiwasan ang bumaha or maglakad sa baha kahit saglet lang ang malakas na ulan. 

5. Preboards/Final Preboards/Preweek - Tolerable naman yung mga questions sa mga nasabing examinations. Yung iba akala mo nasa weekly materials mo na pero iba pala. Yung tipong mejo tricky sya, na akala mo ayun ung tamang sagot pag nagmadali ka pero once basahin at ianalyze mo ng mabute ung question biglang mag iiba ung approach mo. Isa din sa pinaka gustuhan ko is naglalaan talaga ang CPAR ng araw para magkaroon ng discussion and giving of answers. If di man detailed atleast ung mejo madami ang nagkamali, nalito is na eemphasize nila and ineexplain ng mabute.

6. Reviewers/Topics- 
Para saken okay naman ang tura nila detailed din naman pero mejo limited lang ung problems/samples per topic kaya parang nagmumukha syang mabilis di kagaya ng isang review center sa may P.Campa na mejo slow ung turo kaya mejo nakakasabay ung mga may age na na gusto magtake. Pero honestly, maganda ang turo sa CPAR and ung mga materials nila is panlaban talaga sa CPA Board kung aaralin mo lang talaga at isasapuso. Very Accomodating din yung mga reviewers, if me question ka you can easily ask them and they will entertain/give the answers right away. Meron lang talaga akong mejo di nagustuhan na prof pero di ko na papangalanan haha! Me pagka somewhat negative sya , ewan basta di ko gusto yung vibes nya lalo na pag nararant sya (LOL)

Isa rin sa pinaka nagustuhan ko dito is marami silang reviewers and classrooms, so you have an option kung sino ang papasukan mo, yun nga lang you have to sacrifice kasi mahirap maki sit in especially if mejo sikat ung reviewer like kay Atty JDV ng taxation which is overloaded talaga yung klase. E kasi naman yung isang topic na eemphasize nya ng isang oras lang, sa buong 3hrs e tapos na hangang quizzers! ayos dba! (IN MY NEXT BLOG, I MAKE A REVIEW SA MGA REVIEWERS NA NAPASUKAN KO :)

Also, napaka humble ng mga reviewers, sila yung tipo na tumatambay lang sa hallway na pwede mong kausapin, biruin. And isa pa sa nakakatuwa is yung nagkaroon ng send off mass. Nagpakain si CPAR ng pancit at tinapay, guess what! kung anu ang kinakain ng mga reviewees yun din ang kinakain ng mga reviewers including Atty Valix! Wooah!! Grabe grabe! Ito pa pala! if mejo hirap kayo sa tuition fees, pwede kayo lumapit kay Atty Valix to ask some discounts, madali lang sya kausap basta wag ka lang mahihiya! Promise! Proven and Tested po :)

7. Actual Board - Isa talaga sa pinakagustuhan ko is yung naglalaan ng oras yung mga reviewers ng CPAR para puntahan yung mga testing sites para igoodluck yung mga examinees which is nakaka uplift ng spirit and if ever na may mga dispute is madali agad masasabi sa kanila ng mga nag exam which is mapapaabot agad sa kinauukulan. And the best of all, yung pakain after exam! As in babaha ng pagkain, kaya sa last day ng board exam make sure na makakapunta kayo sa CPAR para makikain sa mga kapwa reviewees at reviewers na din

Para saken okay naman sya overall, if I am going to rate it from 1-10 , I would give the score of 8 and if given a chance I will enroll again and spend time reviewing sa CPAR :)

Again, this is only my own perspective no pun intented.

Salamat po


Thursday, July 4, 2019

Accounting for Beginners : The Introduction

Ang blog na ito ay ginawa upang mapalawig pa ang naging paliwanag ng ating maiksing video sa youtube , sa mga nanood na salamat at sa mga hindi pa, ito po ang link paki click nalang po at wag kalimutang mag subscribe :) https://youtu.be/M5aSOTkzFMk


Anu nga ba ang Accounting? Gano ba ito ka importante sa atin? Lahat ba ng kurso e me ganitong subject?


Ang Accounting ay syang pagkwenta sa tagalog, ibig sabihin lahat ng ating ginagawa kung ito man ay pagluluto, pag babudget ng oras at kung anu anu pa ay ginagamitan ng Accounting. Ito ay importante para naman maitama naten ang ating kalkulasyon sa mga bagay bagay sa ating paligid, kung walang Accounting, sa tingin ko ay mahihirapan tayong kalkulahin at alamin kung tayo ba ay may nakukuhang balik sa ating mga pinag kaka abalahan. kahit nga panliligaw ay nagagamitan naten ng accounting ng di naten namamalayan.

Halimbawa nalang ay bumibili tayo ng mga regalo o kaya naman ay hatid sundo naten sila araw araw, sa paraan na un tayo ay gumagastos at iyon ay ang tinatawag na Investment na may halong RISK kasi di naten alam kung tayo ba ay sasagutin ng ating nililigawan o hindi, pag tayo ay hindi sinagot invest ulet sa iba pag sinagot naman tayo ay ang swerte naten, kasi nakatanggap na tayo ng ROI o RETURN ON INVESTMENT sa pamamagitan ng EMOTION o Pagmamahal na ibibigay saten ng ating minamahal (uyy! matamas na uri na ito ng Accounting😃)

Isang halimbawa pa ay iyong ngang nasa aking video, ung Allowance na natatanggap naten sa araw araw sa pagpasok sa eskwela, malimit di naten naiisip na marunong na pala tayong mag Accounting, sa pamamagitan ng pag lagak ng ating pera sa mga bagay na kailangan naten sa araw araw.

Sabi ko nga kanina, ang Accounting ay naiaapply naten sa pang araw araw nateng mga gawain ng di namamalayan, kaya OO ang sagot ko sa kung ang lahat ba ng kurso ay merong Accounting Subjects.

Kung tutuusin madali lang ang Accounting, ngunit kadalasan, me mga nalilito pa din dito o sabihin na naten nahihirapan. Siguro dahil hindi sila familiar sa mga Terminolohiya o Salita na ginagamit sa Accounting.  kagaya na lamang sa Journal Entry (Debit at Credit) na aking ipapaliwanag naman sa susunod na aking youtube channel at blog nadin.

Sana kahit papaano ay naideliver ko ng maayos ang aking explenasyon sa blog na ito at kung kayo man ay may katanungan ay wag kayong mag atubuling mag iwan ng mensahe sa baba at malugod kong sasagutin sa abot ng aking makakaya :)

Hangang sa muli! PAALAM!

Wednesday, June 19, 2013

kakakabang Experyensa


kakaba kaba

Umaga palang akoy kinakabahan na
Sapagkat ticket ko'y wala pa
Di malaman ang gagawin, paano ba paano ba
Ang kontak kong si Manny ay wala pa sa Araneta

Dumating ang alas dose
Simula na ng aking byahe
Ng itong kaibigang kong si Manny ay biglang nagmensahe
Di pa nagbebenta ng UA-SRO ang bungad nya
Sumaket ang aking ulo
Dibdib koy parang sasabog na

Bigla pang text ang kaibigan kong si RHEN
"SKY, asan na kayo tatlo lang kami dito"
" Kukunin na ng Petron FAN ang upuan nyo"
Ang pwet ko'y umikot, tila di mapakali sa aking kinauupuan
Badtrip pa ako
Sapagkat hapit sa pasahero ang bus na nasakyan ko
Bawat kanto'y hinto dito,hinto doon
Nakakabwisit pa ang pagmumukha ni Manong

Ayan na! nakapasok na sa SUSANA, ang sambit ko
Sabay talilis ang takbo ng bus na sinasakyan ko
Pasalamat kayo at Skyway ang dinaanan nyo
At walang trapiko sa papuntang AYALA MRT Kanto
Kundi naku! Baka anung mura ang marinig nyo (LOL)

MRT na! Text dito, text doon
Kamusta dito, kamusta doon
Anu na nga ba ang nangyari
Me ticket na ba? O buwis buhay naman ba?
Salamat na lamang, sakto pagdating doon
Nasa harap na ng counter ang kaibigan kong si Manny
Kaya di na masyadong nahirapan

Sa greengate aming naabutan ang mabuting kaibigan
Si Ms. kay na muntik ng magpanic at mahulog sa bitag ng mga scalper sa daan

Sa 301 ang aming pwesto
Kung saan malapit sa mahal nameng koponan
Pagdating palang e kagulo na kami
Lalo na ng ipakita sa TV ang aming mahal na banner ng tambayan
Iwinagayway habang naglalaro ang Petron
Bute na lamang at LAMANG sila kung ako'y nahamon (HAHA)

Tapos na ang 1st game, hay salamat naman!
Tinawag na ang Ginebra
Sabay ng paglabas nila ang aking paglundag sa kinauupuan


Ang laban nila ng Alaska 
Ay parang seesaw sa palaruan
Lamang sila, lamang ang kalaban
bute na lamang at di masyadong umarya ang kalaban

Sa ganda ng pinapakita ng team
bigla kong nawika
O Kuya Rhen, di ako malas sabi na nga ba
Sabay indak ng aking mga paa

Bawat freethrow ni Caguioa ay napapakanta
Kahit wala sa tono mabigkas lang ang pagbati sa kanya
HAPPY BIRTHDAY IDOL ang sigaw ko
Biglang naantig ng lumingin at ngumisi sa amin si IDOL

Dumating ang 4th quarter
Lumamang ang kalaban
Kinabahan sa mga tres ni Casio at Barracael
Bute na lamang at may dugong palaban 
Di nagpatinag ang aking mahal na koponan
Shooter ng kalaban ay mahigpit na binantayan

Ang ganda ng pasa ni Miller , sabay tira ni Mark
Pagka shoot kami ay talunan agad
Lumakas ang kabog ng dibdib parang hihimatayin
and1 si Mark tanggal ang kalaban

Freethrow ni Mark lahat ay kinakabahan
Ang dasal ng karamihan sana ay pumasok naman
Sapagkat may alat sa freethrow sa simula pa lang
Bumuslo ang isa, ang isa ay niluwa
Bute na lamang maliksi ang aming BIG MAMA
Ang bola ay hinabol at binato sa katawan ng kalaban

Tumalbog palabas ang bola
Last touch ang kalaban
Possession ay sa Ginebra na naman!
1.1 secs ang natitira sa orasan
Di malaman kung san ipapasa sapagkat makulit ang kalaban
Nag time out ang Ginkings , madaming kinabahan
Sana naman ay amin na ito upang kami ay magdiwang
Napasa kay Ellis ang bola at naubos ang oras
Sabay sigaw kami at nagbesohan
Kitang kita kahit sa camera ang aming kasiyahan

PANALO ANG GINEBRA, KAMI AY NAGDIWANG!



Thursday, November 29, 2012

Pag walang laro ang Ginebra

Pag walang laro ang Ginebra
(to the tune of Pag NANALO ang GINEBRA) 


I:
Naiinip Araw araw
Di malaman kung san tatanaw
Katawan koy ayaw bumangon
Gusto nalang matulog maghapon
II:
Tinatamad pumasok sa opisina
Kulang nalang ay hilain ko ang aking kama
Papagalitan ng aking Esmi sa text
Bumangon ka na at baka malate ka!

Chorus:
Pagbigyan nyo na ako..
Boring lang kasi ako
Sapagkat malayo ang ESMI ko..

Pagbigyan nyo na ako
Paminsan minsan lang ito
Ginebra ang bumubuo ng araw ko..
III:
Eto nga at Miyerkules na
Tugatog sa aking mesa
Pumipikit ang aking mata
Sana naman ay 5:30 na
Me practice pa kami mamaya
Ng mga astig kong barkada..

IV:
Bawat araw ay binibilang
Patay na kukoy binabaliwala
Mataray sa mga kliyente
Tawag ng crew di naaatend..

V: 
Di makakain ng mabute
Patay na ang aking mga butete
Sawa sa tyan ay dumadaing na
O jusko ko po! Sana bukas ay laban na ng GINEBRA!

Repeat chorus til fade.. LOL

Kanta na!! :masaya: